Walang pinakamahusay na guro kung
hindi ang ating mga sariling karanasan.
Ito ang isinasabuhay
ni G. Bernardino Balabo o mas kilala ng kanyang mga estudyante bilang Sir Dino.
Ipinanganak noong ika-20 ng Mayo, taong 1969 sa Hagonoy Bulacan.
Mula sa pagiging
kolumnista at manunulat ng Mabuhay, Punto Central Luzon at The Philippine Star
ay pinatunayan ni Balabo na ang galing sa pamamahayag ay nararapat ibahagi sa
kabataan na nais sumunod sa kanyang mga yapak. Sa Kolehiyo ng Artes at Letras
sa Bulacan State University sumabak sa larangan ng pagtuturo ang tinaguriang
‘One Man Army’.
Naging huwarang guro
at kaibigan sa kanyang mga estudyante. Hindi nakapagtata na idolo sya ng
kanyang mga mag-aaral na nais din pumasok sa pamamahayag sapagkat labis na nakikita
ang kanyang dedikasyon dito
“Sobrang proud ako na
prof ko si Sir Dino. Ang dami-dami nating natututunan sa kanya tuwing
nagsheshare sya ng mga experiences nya sa field,” ani Sharmaine Abaro, isa sa
kanyang mga estudyante.
Minulat din ni Balabo
ang kanyang mga mag-aaral sa kasalukuyang estado ng mga pamamahayag upang
pagdating ng panahon ay maging handa ang mga ito sa kahaharaping bagong mundo.
Nito ngang nakaraang
Pebrero ay ginawaran ng pagkilala si Balabo sa kanyang natatanging husay sa
pagtuturo ng kinabibilangang kolehiyo.
'Jack of all trades'
siguro na maituturing si Balabo dahil sa pambihirang talento nya sa pagsusulat,
pagluluto at pagiging mabuting asawa't ama. Minsan nya ng naikwento na sya
mismo sa bahay nila ang tagapagluto, isa na rin daw itong paraan para
mapagsilbihan nya ang kanyang pamilya.
Nagsisilbing
pinakadakilang inspirasyon nya ang kanyang asawa na si Gng. Jocelyn Arce at ang
kanyang anim na taong anak na si Bethany Eirene Balabo.
Sa kabila ng
napakaraming trabaho ay pinipilit umano nyang maglaan ng oras para makasama ang
kanyang pamilya ng mas madalas.
Isang hinahangaang
propesor, mabuting ama't asawa at manunulat na gumagawa ng pangalan sa lahat ng
artikulong nailalathala. Patunay lang na maaaring magsama-sama ang mga katangiang
ito sa iisang tao.
Tunay ngang sa
lalawigan ng Bulacan isinisilang ang mga pinakamagagaling na manunulat sa
kasaysayan ng Pilipinas , at si Bernardino Balabo ay isang ebidensya rito.
No comments:
Post a Comment