Wednesday, March 14, 2012

SIR DINO




Walang pinakamahusay na guro kung 
hindi ang ating mga sariling karanasan.

Ito ang isinasabuhay ni G. Bernardino Balabo o mas kilala ng kanyang mga estudyante bilang Sir Dino. Ipinanganak  noong ika-20 ng Mayo, taong 1969 sa Hagonoy Bulacan.

Mula sa pagiging kolumnista at manunulat ng Mabuhay, Punto Central Luzon at The Philippine Star ay pinatunayan ni Balabo na ang galing sa pamamahayag ay nararapat ibahagi sa kabataan na nais sumunod sa kanyang mga yapak. Sa Kolehiyo ng Artes at Letras sa Bulacan State University sumabak sa larangan ng pagtuturo ang tinaguriang ‘One Man Army’.

Naging huwarang guro at kaibigan sa kanyang mga estudyante. Hindi nakapagtata na idolo sya ng kanyang mga mag-aaral na nais din pumasok sa pamamahayag sapagkat labis na nakikita ang kanyang dedikasyon dito

“Sobrang proud ako na prof ko si Sir Dino. Ang dami-dami nating natututunan sa kanya tuwing nagsheshare sya ng mga experiences nya sa field,” ani Sharmaine Abaro, isa sa kanyang mga estudyante.

Minulat din ni Balabo ang kanyang mga mag-aaral sa kasalukuyang estado ng mga pamamahayag upang pagdating ng panahon ay maging handa ang mga ito sa kahaharaping bagong mundo.

Nito ngang nakaraang Pebrero ay ginawaran ng pagkilala si Balabo sa kanyang natatanging husay sa pagtuturo ng kinabibilangang kolehiyo.

'Jack of all trades' siguro na maituturing si Balabo dahil sa pambihirang talento nya sa pagsusulat, pagluluto at pagiging mabuting asawa't ama. Minsan nya ng naikwento na sya mismo sa bahay nila ang tagapagluto, isa na rin daw itong paraan para mapagsilbihan nya ang kanyang pamilya.
Nagsisilbing pinakadakilang inspirasyon nya ang kanyang asawa na si Gng. Jocelyn Arce at ang kanyang anim na taong anak na si Bethany Eirene Balabo.

Sa kabila ng napakaraming trabaho ay pinipilit umano nyang maglaan ng oras para makasama ang kanyang pamilya ng mas madalas.

Isang hinahangaang propesor, mabuting ama't asawa at manunulat na gumagawa ng pangalan sa lahat ng artikulong nailalathala. Patunay lang na maaaring magsama-sama ang mga katangiang ito sa iisang tao.

Tunay ngang sa lalawigan ng Bulacan isinisilang ang mga pinakamagagaling na manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas , at si Bernardino Balabo ay isang ebidensya rito.


SIBUL

Ni Rochelle Placino


Bigger, Braver, and Bolder!

Tunay ngang mas pinalaki, mas pinalakas at mas pinaagresibo ang mga short films na ginawa ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Artes at Letras. Ang kanilang ideya sa paggawa ng short film na kagaya Lako, Kuwit, Sergio, Gilyermo, NXX704, Flatline, Departure, at Garapon ay isang patunay lamang na nahahasa talaga ang kalinangan ng mga mag-aaral sa nasabing kolehiyo upang makapaglabas ng mga makukulay na pelikula kagaya na mga iyon.

Iba- iba ang kwento sa likod ng mga pelikulang iyon. Mayroong namatayan, naabuso, nagpaikot-ikot sa isang bagay, mayroon ding halong aksyon at katatawanan ngunit sino at ano nga ba ang inspirasyon ng bawat manunulat sa paggawa ng mga istorayang iyon.

Kuwit sa Sarap at Pera

Magkaibang istorya ngunit iisa ang pinaka highlight ng kwento ng pelikulang ito. Ipinakita sa Lako ang reyalidad at estado ng mga beki [bakla] sa ating lipunan, gayundin ang mga lalaking nagpapagamit sa kapwa nila lalaki, upang malamnan lamang ang kumukulong sikmura ng pamilya. Nilalako ang sariling pagkatao upang kumita ng pera na magliligtas at mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

“Hindi na natin kailangang mangibang bansa pa, malaki rin naman ang kinikita natin dito sa trabaho nating ito. Tumayo ka lang d’yan sa kanto at may lalapit na agad sa’yong pera. Pare, pera ang lumalapit sa’tin! May sarap na, may pera pa,” ani ng isang karakter sa maikling pelikulang Lako.

Hindi natin maipagkakaila na tuluyan na nga tayong nagpaalipin sa pera. Tunay ngang hindi na natin kayang mabuhay ng walang hawak na kahit na singko sa ating palad. Alipin na tayo ng pera, kahit anong kasamaan at kamalian ay kayang gawin ng isang indibidwal pagdating sa kwarta.

Sundan naman natin ang kwentong Lako ng Kuwit. Bakit kuwit? Kasi nakuwitan nga. Payo dito, payo do’n hanggang sa nakalimutang pangaralan at ipanalangin ang sariling kahinaan.
Tinitingala ng lahat, inaasahan ng lahat at higit sa lahat nilalapitan ng bawat nilalang, ngunit  lapitan pa kaya s’ya kung malaman nilang may mantsa ang putting papel ni Father?

Hindi na nag-asawa upang makatulong sa mga taong nangangailangan ng kalinga. Nilalapit sa Maykapal ang bawat kaluluwang uhaw at nangangailangan ng kapatawaran, ngunit paano na lamang kung pangangailangan ng laman ang naibigay imbes  na pangangailangang ispiritwal? Nahaluan nga ng de kolor na damit ang puting damit ni Father sa may kapilya. His[Padre] will be done, not God’s will be done. Nakuwitan ang malinis na puting papel ni Father  ng mantsang kailanman ay mananatili sa buong buhay nya, maging sa hukay man.

NXX704 na inabutan ng flatline at nauwi sa Departure

Kung mayroon mang pinakamahalagang bagay sa panahong ito, iyon ay hindi pera kundi oras. Oras na nagbibigay sa atin ng pagkakataong upang sumaya at mkamtan ang mga ninanais natin sa buhay. Oras na nagbibigay sa atin ng panahon upang hanapin ang nawawalang parte sa ating buhay. At oras na nagbibigay sa atin ng pangalawang pagkakataon upang itama ang bawat kamaliang ating nagawa sa iba o sa ating sarili man. At higit sa lahat oras na nagbibigay sa ating pag-asang mabuhay pa dito mundong ating ginagalawan.

Totoo ngang kamatayan ang kinakatakutan ng lahat, ngunit anomang pag-iwas ang gawin natin dito, kailanman ay hindi natin ito matatakbuhan. Mapamayaman o mahirap man ay dadating sa punto ng kailangan na talagang magpaalam at iwanan ang lupang inaapakan at mamahinga sa pang-isahang kama ng kapayapaan.

Ang pamamaalam ay hindi nagpapahiwatig ng katapusan, ito pa lamang ang simula ng totoong buhay na kasama ang ating Amang nasa langit, ngunit sigurado ka ba na sa langit ka mapupunta? Ngayon pa lang isipin mo na ang destinasyon mo kung saan mo ba talaga nais na mapunta.

Garapon ng 50 AKSYON

Tayong mga Pilipino ay mahilig sa happy ending, ngunit tama bang dapat sa huli ang pinaka “twist” ng isang pelikula. Pwedeng oo, dahil nakapapanabik talagang manood ng pelikulang mayroong “something” at kakaiba sa bawat pagkilos ng mga karakter. Sinimulan sa ang istorya gamit ang pera, baril at garapon. Ano nga ba ang importansya ng mga gamit na ito upang maipakita sa bawat manonood ang tunay na aksyon ng buhay.

Umpisahan natin sa baril. Baril na kumikitil ng buhya ng indibidwal o grupo ng tao sa isang pamayanan. Baril na handa ring manligtas ng buhay laban sa mga taong masasama at higit sa lahat baril na lagging gamit ng mga may kapangyarihan at awtoridad. Mga pulis na lagi nga lang bang dumadating kapag tapos na ang isang paglalaban ng bida at kontrabida. 

Nasanay tayong gumawa ng isang aksyon na pelikula na laging sa huli sumusulpot ang mga supot na pulis, dahlia yoon talaga ang nangyayari sa reyalidad. Malinaw pa sa sinag ng araw ang aksyon ng pulis sa huli ng laban, hindi na dapat pang magtaka, dahil ‘yan ang aksyon ng baluktot na hustisya.

Nagpaikot-ikot hanggang sa bumalik din kung saan ito nanggaling. Dumaan sa singkwentang kamay na walang kwenta, hanggang sa binawi ang buhay na puno ng kwenta dahil sa singkwenta. Marahil naguguluhan kayo dahil sa paikot-ikot na daloy ng istorya. Istorya ng buhay na umiikot lamang sa bilog na mundong nilikha ng Maykapal. 

Garapon ng kahiwagaan kung saan at paano nga ba nalikha ang bagay at buhay dito sa mundong ito gamit ang ating sariling kaisipan at kamuwangan. Marami mang katananungan ang sumagi sa atin, isa lang ag gustong iparating ng bawat bagay dito sa lupang ibabaw na ating ginagalawan, kundi palawakin pa natin ang ating isipan at buksan natin ang ating imahinasyon  sa kaya pa nating gawin at patunayan pagdating sa paglikha ng mga mahiwagang pangarap na magyayari sa reyalidad. Gawin nating malawak, malakas at agresibo ang ating kaisipan patungo sa malaking pangarap.